Puno
ng alinlangan
ang buong pangangatawan
hindi na matagpuan
ang kapanatagang nakagisnan
At sa pagsikat ng puting araw
sa langit ng abo
ipinahiwatig ng palibot
ang pamumutla ko,
ang paghina ng loob ko,
ang pagkaubos ng kulay sa aking mundo.
Marahil nga,
walang nararapat makaalam
kung ano ang hawak ng hinaharap
sapagkat maglalaho, mapaparam
ang kasalukuyang paglingap
sa palaisipang hatid
ng bawat araw.
Bagama’t
hindi ko kagalakan
ang pagharap sa bawat lumipas na hapon
isa pa rin akong bilanggo ng panahon.
At wala na akong magagawa roon.
1 Notes/ Hide
-
paperlesswords liked this
-
awkwardaward posted this
Ramblings of an imaginary friend.
[Maki Bajit. UP student with no direction, pretending to study Business Administration and Accountancy.
Frustrated jazz performer.
Frustrated hopeless romantic ewan.
Frustrated garapata.
16 forever. Humor me.]