death by guilt

  • Bio
  • FB
  • Formspring
  • Travels
  • Mga Tula
  • Random
  • Archive
  • RSS
  • Ask me anything.
  • Anything to share?

Una

Mangha ako sa dami
ng naihahayag
ng isang buntung-hininga.

Hindi naman tayo mga bathala
na perpekto’t
ligtas sa kahinaan

Minsan talaga
ang pag-ibig din ay hindi nagtatagal.
Mga tao lang tayo,
mga taong nakakalimot,
nababato,
napapagod,
sumusuko.

Sa kawalan ng wastong salita
At dami ng maling hinala
Ang pinakamatatag na tiwala
Nauuwi rin sa wala

Akala ko pa man din,
ikaw na ang aking tadhana
Pero balita ko,
marami raw namamatay sa akala.

Ang pag-ibig nati’y naging sirang parirala
Di alam ang simula
Di alam ang katapusan
Kung magsasarili’y
Walang katuturan

Baka totoo nga ang sabi-sabi
na ang mga bagay na mabuti at kanais-nais
ay may hangganan din.

Dahil siguro tayo’y
dalawang pusong masyadong magkatulad
hindi tayo nararapat sa isa’t isa

Sayang naman
Ang bawat paghawak sa kamay
At bawat minutong paghihintay
Hindi naman pala tayo nababagay.
Sayang naman.

Di man ito saklaw ng hilaw nating pang-unawa,
Panahon na lang ang makapagpapasya.

Kaya’t kung wala nang iba pa,
wala nang lilingon
wala nang sisihan.
Wala nang bibigkas
ng isa pang salita.

Kung may pahabol ka man
Sa susunod na lamang,

Pero patawad na rin sa nagawa
at salamat sa hirala.

    • #FEB142012
    • #February 14
    • #feeling manunulat
    • #love
    • #poetry
    • #post in filipino
    • #wala
  • 3 months ago
  • 3
  • Comments
  • Permalink
  • Share
    Tweet

3 Notes/ Hide

  1. paperairplanes123 liked this
  2. sec0ndcom1ng liked this
  3. leaveyouapen liked this
  4. awkwardaward posted this

Recent comments

Blog comments powered by Disqus
← Previous • Next →

death by guilt

About


Ramblings of an imaginary friend.
[Maki Bajit. UP student with no direction, pretending to study Business Administration and Accountancy.
Frustrated jazz performer.
Frustrated hopeless romantic ewan.
Frustrated garapata.
16 forever. Humor me.]

Answer Questions

Me, Elsewhere

  • @MakiBajit on Twitter
  • Facebook Profile
  • whywhywhymaki on Youtube
  • whywhywhymaki on Soundcloud

Twitter

loading tweets…

  • RSS
  • Random
  • Archive
  • Ask me anything.
  • Anything to share?
  • Mobile

(c) Maki Bajit. Effector Theme by Carlo Franco.

Powered by Tumblr