Le Ching Tea House, UP-Ayala Technohub, mga alas-dos ng hapon*
Paano kung ang isang araw
ay isang mangkok ng mainit na bihon?
Ang oras ang sabaw
kung saan nakalubog at nakalutang
ang mga sahog ng isang araw.
Ang mga karanasan ang pansit,
may maikli, may mahaba
may kulot, may tuwid,
may payat, may mataba.
May matamis at mapait.
Salagimsim mo ang kubyertos.
Kung paano harapin
ang bawat sitwasyon at gawain
Ikaw ang bahala (diskarte mo na).
Rekado ang lungkot,
tuwa,
galit, at kaba.
Masyadong marami,
mahirap ubusin.
Kahit gaano kasarap,
lumalamig din.
May nasusuya, may nabubusog, may nabibitin.
Ito ang isang araw para sa akin.
At siyempre, ikaw ang kasalo kong kumain.
*Pabati kay Telle, Jenard, Jev, Denise, Gab, at Tin. Nabusog kayo kanina, ano.
Source: awkwardaward
1 Notes/ Hide
-
february29lo liked this
-
joshuarobertlong liked this
-
awkwardaward posted this
Ramblings of an imaginary friend.
[Maki Bajit. UP student with no direction, pretending to study Business Administration and Accountancy.
Frustrated jazz performer.
Frustrated hopeless romantic ewan.
Frustrated garapata.
16 forever. Humor me.]